isnayp.blogspot.com

Paglilinaw hinggil sa Enero 11, 2009 ambus ng NPA sa Cataingan, Masbate

Pahayag sa Midya
Enero 11, 2009

Ipinahayag ngayon ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate na yunit nila ang nagsagawa ng ambus sa mga miyembro ng 507 PPMG sa Bgy. Gahit, Cataingan, Masbate nitong Enero 11, 2009 bandang alas-11:30 ng umaga.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nakasunod sa sasakyan ng PPMG ang van na lulan si Gov. Ola Kho ng Masbate. Hindi naman nasaktan ang naturang opisyal na nakasakay sa isang pansibilyang sasakyan dahil tinarget lamang ng BHB ang sasakyan ng PPMG.

Gayunpaman, ipinaabot ng Jose Rapsing Command ang taimtim na paghingi ng paumanhin kay Gov. Kho at sa mga kasama nito at nilinaw na hindi ito ang target ng ambus kundi ang mga kombatant na kasapi ng 507 PPMG na sakay ng kanilang service na sasakyan.

Ka Greg Banares
NDF-Bicol

January 11, 2009 - Posted by | Blogroll | , , , , , , , , ,

Sorry, the comment form is closed at this time.

%d bloggers like this: