isnayp.blogspot.com

Pagbati ng NDF-Bikol sa Matagumpay na Kilos Protesta Laban sa Balikatan

Pahayag sa Midya
23 Enero 2009

Binabati ng NDF-Bikol ang malawak na pwersang laban sa BALIKATAN EXERCISE sa kanilang matagumpay na kilos-protesta, kahapon, Enero 22, sa buong rehiyon ng Bikol. Umabot sa mahigit 22,000 ang napakilos na ang pinakamarami ay sa mga probinsya ng Masbate, Sorsogon at Albay na target paglunsaran ng BALIKATAN EXERCISE.

Bakit nakatutok ang BALIKATAN EXERCISE ng tropang US at AFP sa mga probinsyang Albay, Masbate at Sorsogon gayong hindi naman ito labis na sinasalanta ng mga pag-ulan, pag-baha at landslide kung ikukumpara sa Catanduanes, Camarines Norte at Mindanao?

Nagpapatunay lang na peke ang ipinapakitang pagmamalasakit ng tropang US at AFP sa mamamayang Pilipino at pakulo lamang ang “humanitarian mission.” Mas mahalagang kunsiderasyon para sa US ang layuning militar at hindi ang kapakanan ng mamamayan.

Alam ng lahat na ang pakay ng US sa Bikol ay mapamilyarisa sa mga kundisyon ng pakikidigmang gerilya sa rehiyon at hindi ang pagtulong sa mamamayan. May lumang kasabihan na “mag-ingat sa mga Griyego na may dala-dalang regalo.”

Malayo pa ang pormal na pagsisimula ng BALIKATAN ngunit palihim nang nagsasarbey ang mga barko at sundalong US sa karagatan na saklaw ng Matnog at Donsol, Sorsogon at bahaging Masbate. May pasilidad ns lihim ns itinatayo ang tropang US at AFP sa bahaging Matnog at sa Uson Masbate.

Tanging sa malakas at malawak na pagtutol at paglaban ng nagkakaisang hanay ng mamamayan mapipigilan ang pagtindi ng interbensyong militar ng US at ang pag-umang ng armadong agresyon laban sa mamamayang Pilipino sa hinaharap.

Ka Greg Banares
NDF-Bikol

January 23, 2009 Posted by | Blogroll | , , , , , , , , , , | Leave a comment

Nahuhubaran na ang “Makataong” Tabing ng Balikatan 2009

AFP ready to repel Reds during Balikatan
By Jocelyn Uy
Philippine Daily Inquirer
Filed Under: Guerrilla activities, Military, Armed conflict, Security (general)
MANILA, Philippines—The Armed Forces of the Philippines (AFP) is not taking any chances when the annual RP-US Balikatan military exercise begins in April in three Bicol provinces.

A new battalion of 500 soldiers will be deployed to beef up security in the region to thwart any attacks by the New People’s Army (NPA), said Maj. Gen. Jeffrey Sodusta, 9th Infantry Division chief.

“I have the 49th Infantry Battalion—a new battalion—that will be deployed next month to areas covered by the exercise,” Sodusta told reporters at Camp Aguinaldo by phone.

The Communist Party of the Philippines (CPP) announced on its website Sunday it had ordered the NPA, its armed wing, to attack Filipino and American troops and launch tactical offensives during Balikatan.

“We are prepared for that… so far we are conducting several meetings and seminars to talk about security,” Sodusta said.

Now on its 14th year, the RP-US Balikatan exercises will be staged in Albay, Masbate and Sorsogon—provinces identified as remaining strongholds of the NPA.

But the military stressed the exercises in Bicol would comprise only humanitarian projects like medical missions and engineering works.

In Legazpi City, Col. Ariel Bernardo, commander of the Army’s 901st Brigade, said they were prepared for attacks by the NPA.

“It only shows [the CPP-NPA] is antidevelopment, anti-poor and anti-peace. Who would not want schools and roads to be built and medical and dental missions to benefit the people?” Bernardo said.

But the National Democratic Front (NDF), the CPP’s political arm, has charged Balikatan (meaning shoulder to shoulder) was a front for another agenda.

Greg Bañares, Bicol spokesperson of the NDF, said Balikatan could be used to spy on revolutionary movements and as to allow US soldiers to intervene in the armed battles between government troops and NPA guerrillas. With reports from Delfin Mallari Jr. and Ephraim Aguilar, Inquirer Southern Luzon

January 13, 2009 Posted by | Blogroll | , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Layunin ng Balikatan Exercise sa Bikol: Nagtatago sa Tabing ng “Humanitarian Mission”

Pahayag sa Midya
Enero 11, 2009

Inililihis at pinagtatakpan sa publiko ng mga upisyal ng militar at civil defense (OCD) ang tunay na layunin at mga aktibidad ng BALIKATAN EXERCISE sa Bikol at pinalilitaw na ito ay purong “humanitarian mission” upang maging katanggap-tanggap sa publiko ang presensya ng tropang US.

Inamin mismo ng isang upisyal ng US Navy na tampok sa gagawing BALIKATAN EXERCISE sa Bikol ngayong Abril 2009 ang field exercise ng mga istap nito, joint military exercise, at “humanitarian mission”.

Ginagamit ng AFP at tropang US ang mga pakulo nitong “humanitarian mission” bilang tabing sa aktwal na paglahok ng tropang US sa mga operasyong military tulad ng reconaissance ops, paniniktik, pagsasanay, suportang lohistika at paglahok sa aktwal na kombat.

Kaugnay nito, magsasagawa ng sea games o naval exercise ang US Marines at Navy Seals sa karagatan at baybayin ng Brgy. Sawang, Dapdap, at Panisihan sa bayan ng Uson, Masbate.###

Greg Banares
NDF-Bikol

January 12, 2009 Posted by | Blogroll | , , , , , , | Leave a comment

Tutulan at Labanan ang Balikatan sa Bikol!

Pahayag sa Midya
7 Enero 2009

Dapat tutulan at labanan ng bawat makabayan at patriyotikong Pilipino ang BALIKATAN EXERCISES na gagawin sa rehiyong Bikol ngayong 2009. Ito ay isang anyo ng interbensyong militar ng tropang US at yumuyurak sa pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng bansa.

Walang bandidong Abu Sayyaf o anumang teroristang grupo sa Bikol, at wala ring malalang kalamidad sa nakaraang 2 taon upang gawing batayan ng BALIKATAN EXERCISES.Malinaw na ang tunay na pakay ng tropang US ay makialam sa palpak na counter-insurgency program ng AFP laban sa CPP-NPA-NDF.

Para sa US, magkasinghalaga ang pagpatay ng isang ekstremista at ang mga “humanitarian missions” sa kontra-insurhensya. Kung kaya’t ginagamit nito ang mga pekeng “humanitarian missions” upang magsarbey ng karagatan at kalupaan ng bansa at maniktik laban sa rebolusyunaryong kilusan.

Ka Greg Banares
NDF-Bikol

January 7, 2009 Posted by | Blogroll | , , , , , , | Leave a comment